APEKTADO rin ng pagtaas ng presyo ng asukal ang mga manufacturer ng gamot.
Ipinabatid ni Higinio Porte, Jr., pangulo ng Philippine Pharmaceutical Manufacturers Association, na apektado ang produksiyon nila ng syrup at suspension na ang 20% hanggang 30% formulation ay gawa sa asukal.
Sinabi ni Porte na hindi naman uubrang magtaas ng presyo ang mga gumagawa ng gamot kaya umaapela sila sa gobyerno na palakasin ang lokal na produksiyon ng asukal.
Ina-absorb na lamang, aniya, ng manufacturers ang halos P100 kada kilong halaga ng refined sugar.
DWIZ 882