PROJECT 29 ARANGKADA NA

KINUMPIRMA  ng Department of Agriculture (DA) na tuloy na tuloy na ngayong linggo ang opisyal na pag-arangkada ng Project 29 sa Kadiwa Centers.

Kahapon, Lunes, ay nagkaroon ng special meeting ang mga opisyal ng DA, sa pangunguna ni Agri Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., para plantsahin ang pinal na panuntunan sa programa.

Ayon kay DA Asec. Arnel de Mesa, asahan na ang mas “improved” na Kadiwa sa ilalim ng programa at malawakang bentahan ng P29 kada kilong bigas dahil hindi lang sa Metro Manila aarangkada ang programa kundi sa ibang lugar sa labas ng NCR.

Dagdag pa ni Asec. De Mesa, hindi lang bigas ang maisasama sa Project 29 kundi pati ibang agri fishery products.

Kasama ngayon sa isinasapinal ng DA ang mga ipatutupad na adjustment sa bentahan para mas mapadali sa bawat sektor ang pagbili sa Kadiwa Centers.

PAULA ANTOLIN