(Projection ng BSP)SEPTEMBER INFLATION BIBILIS SA 6.6%-7.4%

BSP-INFLATION

INAASAHANG bibilis ang inflation sa 6.6 hanggang 7.4 percent sa Setyembre sa likod ng mas mataas na presyo ng koryente at key food commodities.

Sa isang statement, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang paghina ng Phi­lippine peso kontra US dollar ay tinataya ring kabilang sa mga salik sa pagtaas ng presyo para sa buwan.

“This could be offset in part by the decline in local fuel prices and lower meat prices,” ayon sa central bank.

Ang inflation rate noong Agosto ay bumagal sa 6.3 percent mula sa 6.4 percent noong Hulyo.

Nahigitan nito ang 2-4 percent target band ng pamahalaan noong Abril nang tumaas ito sa 4.9 percent year-on-year, ang pinakamataas magmula noong January 2019.

PNA