(Projection ng isang ekonomista) 2.6% INFLATION SA DISYEMBRE

POSIBLENG maitala ang headline inflation sa 2.6 percent ngayong buwan, pasok sa 2 percent hanggang 4 percent target range ng pamahalaan dahil sa mas mababang presyo ng bigas, ayon sa isang ekonomista.

“Inflation could remain relatively benign and still well within the BSP’s inflation target of 2 to 4 percent, largely due to lower rice prices, which account for 9 percent of the CPI (consumer price index) basket due to lower tariff on imported rice,” pahayag ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort sa Philippine News Agency.

Ang inflation ay naitala sa 2.5 percent noong Nobyembre.

Ang bigas ay malaking salik sa inflation magmula noong September 2023.

Upang mapababa ang presyo ng bigas, nilagdaan at inilabas ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) 62, series of 2024 sa Comprehensive Tariff Program 2024-2028 noong Hunyo 20.

Ipinatupad noong Hulyo, ang EO ay kinabibilangan ng pagtapyas sa taripa sa imported na bigas sa 15 percent mula 35 percent, na nag-ambag sa paghupa sa retail rice prices sa local market.

Hanggang noong Nobyembre, ang rice inflation ay patuloy na bumaba sa 5.1 percent mula 22.5 percent noong Hunyo.

Bukod sa mas mababang presyo ng bigas, sinabi ni Ricafort na ang global crude oil prices ay naging salik din sa 2.5-month lows.

“Other major global commodity prices are among the lowest in 3 to 4 years amid softer economic data in China, which is the world’s second biggest economy and biggest importer of oil and other major global commodities,” aniya.

“This would help support relatively benign inflation in many countries around the world, at or near central bank inflation targets that could help justify future Fed rate cuts that could be matched locally.”

Gayunman, sinabi ni Ricafort na ang , seasonal increase sa demand at spending para sa Christmas holiday season ay maaaring magresulta sa ilang pagtaas sa presyo.

Ang December 2024 inflation data ay ilalabas ng Philippine Statistics Authority sa unang linggo ng Enero.

“For the coming months, it is possible for inflation to sustain at 2 percent levels up to early 2025, or well within the Bangko Sentral ng Pilipinas’ inflation target range of 2 to 4 percent,” sabi pa ni Ricafort.
ULAT MULA SA PNA