PROPER RECORDING AND MARKINGS

SABONG NGAYON

MADALI lamang po magkasa at magpares kung sino ang papalahiin kung kabisado mo ang linyada mo at palagi po may naka-set at naka-ready na pamantayan para alam natin ang patutunguhan.

Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, palagi po dapat masipag tayo gumawa ng listahan ng anumang bagay at tayo dapat mismo huwag asahan ang tauhan kasi tayo naman ang breeder at may-ari.

“Para huwag maligaw/mawala o sumakit ang ulo sa kaiisip kung paano ang gagawing pinakamagandang guide po ay kapag may nagtanong ng salitang bakit ito po dapat ay kaya mong ipaliwanag dahil kung hindi ay masisira lamang po ito,” ani Doc Marvin.

“Huwag na huwag pong magmamadali dahil ang nagmamadali ay lalo lamang naiiwanan!” dagdag pa nya.

At saka bilang breeder dapat tayo mismo ang nakaaalam kung anong bloodline o linyada ng manok na ating ipapalahi kaya dapat po ang tinatanong kung anong lahi ay ‘yon mismong breeder na pinagkuhanan natin kasi siya lamang ang may full authority o karapatan na magpangalan dito kasi manok niya ‘yon.

“Kung inahin 2 years old up ang gagamitin dapat po ay stag 8-11 months old ang ipapaasawa para maiwasan ang fertility issues,” sabi pa ni Doc Marvin.

“Dapat po palagi may naka-set na pamantayan para makuha natin ang target characterestic na gusto nating mapalabas. Line breeding magpinsan po para sa akin ang practice ko para hindi maglalayo o sasabog ang linyada at ang magiging anak ay panlaban na, pang materyal pa!” dagdag pa niya.

Comments are closed.