PROVEN BLOODLINES

SABONG NGAYON

KUNG proven at tested ang linyada para hindi mawala o sumabog ang itsura at quality ay dapat maximum na limang bloodlines lang ang pinaiikot sa pagpapalahi kasi kung gaano karami ang linyada ay siya ring dami ng sakit ng ulo.

“Para sa akin para magawa mo ito anuman ang kapintasan o diperendiya  at karamdaman, ang pinakamagaling na pamamaraan para tapos agad hindi ‘yung tanong pa nang tanong kung ano gagawin at ‘di na sumakit ang ulo sa kaiisip at baka tayo ay magkasakit pa ay wala ng tatalo sa sila ay pagpapatayin!,” wika ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

Aniya, sa sikip na ng mga labanan ngayon, dapat bawal ang salitang ‘nanghihinayang’.

“Madali lamang humanap ng quality/super galing na manok pero hinding-hindi ka makakakita ng sihuradong mananalo!” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Doc Marvin na dapat palipat- lipat ng talian ang ating mga tinali, lalong- lalo na ang mga stag, para masanay sila sa iba’t ibang environment.

“By the time na naka-cord /nakatali na sila,  importante na weekly, 7 days ay iba’t iba ang katabi niya sa talian para masanay siya na kahit saang lugar siya  dalhin  ay hindi sya nerbiyosin kasi nga territorial in nature sila,” sabi pa ni Doc Marvin.

“Dapat ang stag kasing edad din ang katabi nila at huwag muna isasama sa talian ng mga cock/magugulang na manok lalo na unang araw palang ng pagtatali kasi malakas makanerbiyos sa kanila na puwedeng maging dahilan na sila ay tuluyang masira. Huwag na huwag mong hayaan na bigyan siya ng dahilan na ipatalo ka!” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Doc Marvin, ang mga cockerel o tatyaw sa edad 4-5 months ay nangangasta na pero ito rin ‘yung critical age na siya ay nagde-develop ng built ng kanyang katawan at hanggang 6 months ay mina-maximize  ang kanyang pagtangkad.

“Pagdating ng 7 months ang edad, tigil na siya sa pagtangkad/pagtaas at lahat ng kina-kain niya ay pupunta na lamang sa kanyang pangangatawan para bukang-buka ang buong katawan na malambot ang hipo,” ani Doc Marvin.

“Ang ideal age para sa akin na siya ay gamitin broodstag/ganador ay 8-9 months para sol-id na ang kanyang pangangatawan at nakikita mo na ang kanyang full potential sa sparring. Ang isang stag na panlaban kung quality ang linyada ay nasa kalakasan ang kanyang abilidad sa pakikipaglaban/fighting ability sa edad na 9-10 months, kabilisan at sariwang-sariwa po siya sa ganon edad,” dagdag pa niya.

Comments are closed.