PROVINCIAL BUS BAN SA EDSA

LILIMITAHAN na ang pagbiyahe ng mga provincial bus sa EDSA simula sa Hulyo 15.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mula alas-5 hanggang alas-10 ng umaga ay bawal nang bumiyahe sa magkabilang panig ng EDSA mula Pasay City hanggang Cubao sa Quezon City ang lahat ng provincial buses.

Ang bus ban ay ipatutupad din tuwing alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Sa pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia, ang mga provincial bus na nagmula sa South Luzon ay hanggang Pasay City na lamang sa panahon ng ban.

Ang mga provincial bus naman na galing sa Central at Northern Luzon ay hanggang Cubao lamang.

Exempted naman sa number-coding scheme ang mga maaapektuhang bus.

Sinabi ng MMDA official na inaasahan nila na aabot sa 2,000 buses ang mababawas sa EDSA.

Pagmumultahin, aniya, ng P2,000 ang mga lalabag sa bus ban.

Aprubado na rin ng Metro Manila Council ang resolusyon hinggil sa bus ban.

Comments are closed.