INIUTOS ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsusuot ng face mask at face shield sa pampublikong lugar sa bansa.
Sa isang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagbabalik ng operasyon ng mga provincial bus ay inaprubahan sa ilalim ng IATF Resolution No. 88.
“Provincial buses in point-to-point routes approved by the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) and the local government unit (LGU) of destination, including their stop-over/transit terminals may resume their operations,” nakasaad sa resolution.
Kasama rin sa inaprubahan ng IATF ang mga stop over at transit terminals o mga lugar na hihintuan pansamantala ng naturang mga bus para makapagpahinga ng ilang minuto ang mga driver, konduktor at mga pasahero at para makagamit sila ng palikuran.
Ang Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng LTFRB, ay may mandatong bumuo ng kinakailangang operational guidelines.
Magmula noong Hunyo 1 ay unti-unti nang pinayagan ng LTFRB ang pagbabalik sa kalsada ng mas maraming modernong jeepneys, P2P buses, UV Express units, taxis, transport network vehicle services at provincial buses.
Pinaalalahanan ng LTFRB ang mga pasahero, driver, conductor, at operator na laging magsuot ng face mask at shield, iwasan ang magsalita at kumain sa public transport, panatilihin ang proper ventilation ng sasakyan, regular na magsagawa ng disinfection, at laging sundin ang ‘one-seat-apart’ physical distancing rule. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.