DALAWANG nalalapit na cage finals ang tatalakayin sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel Manila.
Bibisita ang mga kinatawan mula sa Marinerong Pilipino at BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa 10:00 a.m. session upang talakayin ang kanilang nalalapit na best-of-three title series para sa PBA D-League Foundation Cup.
Makakasama nila sa weekly forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang Women’s National Basketball League (WNBL) finalists PSI-Air Force Lady Air Defenders at Taguig Lady Generals.
Kakatawanin nina coach Diana Carandang at players Ambie Almazan, Anna Regina Buendia, at Katherine Sandel ang Air Force sa session na naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, 1-2 p.m. at 6:30 p.m.
Hinihikayat ang mga miyembro ng PSA na dumalo sa forum.
Comments are closed.