PSA FORUM

New Clark City Athletics Stadium

MAGDARAOS ang Philippine Sportswriters Association (PSA) ng isang two-part session ngayon na tatalakay sa ­konstruksiyon at disenyo ng New Clark City Athletics Stadium para sa 30th Southeast Asian Games at sa nalalapit na Luzon Cup football tournament.

Bibisita si Audris Romualdez, managing director ng E-Sports International, sa 10:00 a.m. session sa Amelie Hotel-Manila upang talakayin ang newly-constructed stadium sa Capas, Tarlac na gagamitin para sa Nov. 30-Dec. 11 SEA Games. Sasamahan siya ni Nikko David, presidente ng MTD Philippines.

Ang E-Sports ay bahagi ng grupo na nagdisenyo, bumuo at naglagay ng competition at warm-up tracks ng New Clark City Athletics Stadium.

Ang iba pang panauhin sa weekly forum ay si Negros Occidental Football Association (NOFA) president Ricardo Yanson Jr., na magbibigay ng detalye sa pagdaraos ng Luzon Cup sa Nov. 21-24 sa  Jose V. Yap Sports and Recreational Park sa San Jose, Tarlac.

Ang weekly forum ay itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Naka-livestream ito via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa  Radyo Pilipinas 2, 1-2 p.m. at  6:30 p.m.

Hinihikayat ang mga ­miyembro ng PSA na dumalo sa session.

Comments are closed.