(PSC bubuo ng task force) TRAINING NG PINOY ATHLETES TUTUTUKAN

PSC Chairman William Ramirez-6

NAKATAKDANG bumuo ang Philippine Sports Commission (PSC) ng isang task force na tututok sa training at paghahanda ng mga atleta para sa 2021 Southeast Asian Games na gagawin sa Vietnam kung  saan puntirya ng Filipinas ang back-to-back overall championship.

“We will form a task force to ensure everything is in place and closely monitor the training and preparation of the athletes,” wika ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Sinabi ni Ramirez na ang task force ay makiki­pag-ugnayan sa Philippine Olympic Committee (POC) na pinamumunuan ni Rep. Abraham Tolentino para i-monitor ang pagha­handa ng mga atleta.

“The task force will work closely with the POC to oversee the training and determine how far they go in their favorite events. It will also determine the competitiveness and winnability as well as the physical and mental condition of the athletes,” ani Ramirez.

Hindi binanggit  ni Ramirez kung sino sa apat na commissioners ang mamumuno sa task force at posibleng kasama rito si assistant executive director Atty. Guillermo Iroy Jr. at ang pinuno ng iba’t ibang departments.

Ayon kay Ramirez,  mahalaga ang papel na gagampanan ng task force dahil sila mismo ang susubaybay at aalamin ang kahandaan ng SEA Games-bound athletes.

“SEA Games is just few months away bago gawin sa Vietnam. Li­mitado at maiksi ang kanilang training and preparation dahil sa global pandemic. Kailangan ay full blast ang kanilang pagha­handa to catch up with time and be ready to face their rivals,”pahayag ni Ramirez.

Ang medal campaign ng bansa ay pangungunahan nina Ernest John Obiena, Carlos Yulo, Felix Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio, Brazil Olympic silver medalist Hidilyn Diaz at fellow Olympian Filipino-American Eric Shawn Cray.

“Ang goal natin sa Vietnam ay manalo ng maraming medalya at matutupad natin ang  mission kung  ang ating mga atleta ay well-honed at well-trained at physically and mentally fit,” dagdag pa ng PSC chief.

Lalahok ang mga Pinoy sa halos lahat ng sports, kasama ang medal-rich athletics at swimming at  ballgames tulad ng basketball, softball at baseball kung saan ang mga Pinoy ang defending champion.

Sa pamumuno ni Ramirez bilang Chief of Mission ay nasungkit ng Pinas ang overall championship na may kabuuang 149-117-122 medals sa nakaraang 30th edition ng biennial meet na  ginawa sa Pinas. CLYDE MARIANO

Comments are closed.