PSC CHAIR SA PSA FORUM

Philippine Sports Commission

MAGIGING panauhin si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa kauna-unahang pagkakataon ngayong Martes makaraang maging head ng government sports agency ng bansa noong nakaraang buwan.

Tatalakayin ni Bachmann ang mga plano at programa ng PSC sa ilalim ng kanyang administrasyon sa session na magsisimula sa alas-10 ng umaga sa ground floor ng Rizal Memorial Sports Complex.

Bago ang pagsalang ng PSC chairman, bubuksan ni Philippine Obstacle Sports Federation president Atty. Al Agra ang weekly Forum kung saan tatalakayin niya ang nalalapit na event ng asosasyon ngayong Marso, ang pagkakahalal sa kanya, at ang panukalang Masters Games para sa seniors.

Ang special session ay itinataguyod pa rin ng San Miguel Corporation, MILO, PSC, Philippine Olympic Committee, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Hinihikayat ni PSA president Rey Lachica, sports editor ng Tempo, ang mga miyembro na dumalo sa Forum na ila-livestream din via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.