KINATIGAN ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang posisyon ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez na hindi dapat alisin ang physical education sa school curriculum.
Si Ramirez ay sumulat kay Briones upang bigyang-diin ang kahalagahan ng PE sa pangkalahatang edukasyon ng mga kabataan at sa nation building.
Personal na sumagot si Briones kay Ramirez kung saan tiniyak niya ang pagsang-ayon sa posisyon ng PSC chief at ipaglalaban ang pagpapanatili sa PE sa mga eskuwelahan.
“PE is an important part of our children’s education. It is so important that I believe it should become a core subject,” ani Ramirez.
Magugunitang isang senador ang tinukoy ang PE bilang isa sa dalawang subjects na maaaring pansamantalang alisin upang makapag-focus ang mga guro sa mga pangunahing aralin sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“We have chosen to let the tide of negative criticism pass, believing that the comment was done with the best interest of other matters in mind and was not meant to minimize Physical Education,” wika ni Ramirez sa kanyang liham kay Briones, at idinagdag na sumulat siya sa kalihim dahil “as head of the government’s sports agency, it is incumbent upon me to present our position on the issue.”
Ang PSC, sa kabila ng restrictions na ipinatutupad sa panahon ng pandemyang ito, ay nananatiling aktibo sa pagbabahagi ng impormasyon sa sports tulad ng online workouts ng national team members, webinars sa online training, sports nutrition at sports psychology, at paggamit ng iba’t ibang online platforms upang maabot ang mga atleta at ang publiko.
Comments are closed.