ITINAMPOK ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga tradisyunal at natatanging laro ng mga katutubo mula sa Blaan tribe ng Malungon, Sarangani Province sa matagumpay na Indigenous Peoples Game.
Isinagawa ng PSC, sa pamumuno ni Commissioner at IP Games oversight head Charles Maxey, sa pakikipagtulungan nina Provincial Tribal Chieftain Fulung Edmund D. Pangilan at Municipal IP Mandatory Representative Makabatog Monard C. Galgo, ang apat na araw na programa at paligsahan sa Lamlifew Village Museum and Blaan School of Living Traditions sa Malungon, Sarangani.
Bilang pagtalima sa ipinatutupad na safety and health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF), limitado lamang ang PSC staff at kalahok sa ginawang pre-recording event ng programa na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Quincentennial Commemorations in the Philippines (QCP) ng IP.
Suportado rin ang pre-recording at photo documentation ng IP Games ng National Commission on Indigenous People (NCIP) at sa pagtataguyod ng Pocari Sweat.
“‘Yung awareness ng ating mga kababayan sa mga tradisyunal na laro at patuloy na pamumuhay ng mga katutubo ay isang malaking tagumpay para sa Philippine Sports Commission. ‘Yung diversity and equality ng mga programa ng PSC ay sinisiguro naming mabibigyan ng sapat na panahon at pagkakataon,” pahayag ni Maxey.
Ilan sa mga itinampok na laro ng Blaam Indebinous Peoples ang Sfaltu (long jump) Skuya Kura (horsertacing), sumpir at pana. Ipinamalas din ng Blaan elders ang katutubong Kmison (fire making) gamit ang mga tuyong balat ng niyog, kusot at kawayan.
Sinalubong din ang grupo ni Maxey ng tradisyunal na sayaw na Aral Kafi (Blaan Eagle Dance)mula sa Blaan Indigenous Cultural communities.
Sa pagtatapos ng programa, namahagi ang PSC ng iba’t ibang sports equipment para sa munisipalidad na Malungon.
Ibinigay ni Maxey ang mahigit sa 500 bola ng basketball, volleyball at football kay Malungon Mayor Ma. Theresa Constantino bilang tugon sa pagpapalawak ng sports program sa lalawigan.
“Hopefully, this equipment can encourage youth to engage in sports. It’s our gratitude to them for supporting our programs,” pahayag ni Maxey. EDWIN ROLLON
583812 981922I surely did not realize that. Learnt some thing new these days! Thanks for that. 996782
629528 476910This internet page is truly a walk-through its the internet you desired with this and didnt know who require to. Glimpse here, and youll certainly discover it. 726514
365436 140576Im so pleased to read this. This is the kind of manual that needs to be given and not the accidental misinformation thats at the other blogs. Appreciate your sharing this best doc. 22670