(PSC kumpiyansa) MORE PINOYS SA TOKYO OLYMPICS

butch ramirez

DAHIL maraming Pinoy ang sumasalang sa Olympic qualifying at apat na ang nakalusot — pole vault specialist Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, at boxers Felix Eumir Marcial at Irish Magno — sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na malaki ang pag-asa ng mga Pinoy na masungkit ang mailap na ginto.

Ayon kay Ramirez, malaki ang tsansang madagdagan pa ang mga Pinoy sa quadrennial meet na gagawin sa Tok­yo, Japan sa susunod na taon dahil mahigit 70 aspirants ang nagtatangka sa Olympic berths.

“I’m pretty optimistic some of our aspirants hurdle the qualifying competitions.  Hopefully, they would make it. Let’s pray for their success and compete in Tokyo,” sabi ni Ramirez.

Binanggit ni Ramirez sina Brazil Olympic silver medalist Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Margielyn Didal, at Kiyomi Watanabe at mga boxer na maganda ang performance sa qualifying competitions.

“These aspirants performed creditably and most likely they will make it to Tokyo.  Kailangan ay maganda  ang kanilang showing sa nalalabing qualifying tournaments na kanilang sasalihan,” ani Ramirez.

Nanalo si Diaz sa limang qualifying at kailangang tapusin  niya ang huling qualifying na gagawin sa Kazakhstan upang makakuha ng tiket sa Olympics, habang sina Didal at Watanabe ay  halos pasok na rin sa quadrennial meet.

Kung papalarin ang mga Pinoy na masungkit ang mailap na ginto sa Tokyo, magiging long lasting legacy ito kay Ramirez dahil natupad ito sa  kanyang panu­nungkulan bilang PSC Chairman.

“Sana mangyari ito,” ani Ramirez. CLYDE MARIANO

Comments are closed.