SISIMULAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang serye ng consultation sessions sa mga grupo ng stakeholders ngayong Lunes, Nobyembre 22, para sa huling bahagi ng National Sports Summit (NSS) 2021.
Inaabangan na ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, kasama ang mga commissioner at opisyal ng ahensiya, ang talakayan na ito upang mapagtibay ang mga resolutions mula sa phase 1 ng NSS.
Kinumpirma ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor ang kanilang partisipasyon sa consultation sessions.
”We are now on the final lap of our NSS, it is our duty to ensure that the future of Philippine Sports continues to be successful so the next generation may inherit the victories and lessons we had. The take-aways we have from the NSS may serve as guiding light for the future.” ani Ramirez.
Matapos ang tagumpay ng phase 1 ng NSS ngayong taon, itutuon ngayon ng PSC ang pokus nito sa pagbuo ng resolutions at angkop na mga hakbang na maaaring gamitin ng sports leaders, lawmakers, at stakeholders para sa pag-unlad at patuloy na tagumpay ng Philippine sports.
“What we will be passing on are not mere words but torches to light the way and ensure the continued success of sports and the different sports stakeholders.” sabi pa ni Ramirez.
Kabilang sa resolutions na tatalakayin ang frameworks at guidelines para sa iba’t ibang sports tulad ng women in sports, indigenous games at parasports.
Si PSC Chief of Staff at Philippine Sports Institute (PSI) National Training Director Marc Edward Velasco ang Project Head ng NSS at kakatawanin ang PSC kasama si PSC Planning and Research Division Chief Dr. Lauro Domingo.CLYDE MARIANO