PSC, PNVF NAGKASUNDO SA GRASSROOTS VOLLEYBALL PROGRAM

volleyball

NAGKASUNDO ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at ang Philippine Sports Commission (PSC) na magpokus sa malakas at malayo ang mararating na nationwide grassroots program para sa volleyball.

Ang kasunduan ay nabuo kamakailan nang bumisita sina PNVF President Ramon ‘Tats’ Suzara at Secretary General Don Caringal kay newly-appointed PSC Chairman Jose Emmanuel ‘Noli’ Eala sa tanggapan ng sports agency sa Rizal Memorial Sports Complex.

Dumalo rin si PSC Commissioner Olivia ‘Bong’ Coo sa pagpupulong at sinuportahan ang hakbang.

“Chairman Noli’s vision at the PSC is to support the grassroots program, so he called on all national sports associations [NSAs] and the local government units [LGUs} to support his mission,” pahayag ni Suzara.

Ang volleyball ay hindi na bago kay Eala, na noong 2002 bago ang kanyang stint bilang PBA commissioner, ay lead organizer ng hosting ng bansa sa isang leg ng noo’y International Volleyball Federation Grand Prix, ang forerunner ng Volleyball Nations League.

Inialok ni Suzara ang annual Champions League ng PNVF na magpopokus din sa LGU-based teams, gayundin ang pagsasama sa sport sa isa sa flagship programs ng PSC, ang Batang Pinoy.

”He really wants to have an effective program aimed at discovering new talents,” ani Suzara. “And we have our Champions League which focuses on LGUs. So the PSC will support that direction.”

Sinabi pa ni Suzara na susuportahan din ng administrasyon ni Suzara ang national team program at pinaalalahanan ang PNVF na yakapin ang stakeholders ng sports na partikular na binanggit ang Premier Volleyball League.

CLYDE MARIANO