MAGPABAKUNA muna bago ang paglahok sa mga kompetisyon ang maaaring estado ng kautusang ilalabas ng Philippine Sports Commission sa mga atleta, lalo na sa mga elite athlete.
Ito ay sakaling dumating ang pagkakataon na may available nang COVID-19 vaccine sa Filipinas sa Hunyo 2021.
Sa pahayag sa Tabloids Organization in Philippine Sports On Air kahapon via Zoom, sinabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na bukod sa mandatory ang COVID-19 vaccine ay hindi rin papayagan ang mga atleta na bumiyahe palabas ng bansa o magtungo sa ibang lugar kung hindi sila nababakunahan.
“Of course, susundin natin ang protocol ng DOH-IATF protocol pagdating sa vaccination. I recommend pa nga you will not be allowed to participate kung wala kang vaccine,” aniya.
Wala maman itong problema sa panig ng mga atleta. Sa guidelines ng PSC ay sila ang pinaplanong unahin na maturukan ng COVID-19 vaccine.
“So far, positive naman ang feedback ng mga bata, gusto nila ang vaccine, as long as iyong IATF protocol ang aming susundin. Next namin ang mga official na maturukan. Kung tutuusin tayo namang lahat ay nagpapaospital, nagpapa-check up, bakit pa tayo matatakot kung nakasanayan na natin ang pabalik-balik sa doktor. E, itong vaccine pangontra na kaya wala nang dapat ikatakot kung sakali,” dagdag ni Ramirez.
Samantala, naniniwala si Ramirez na may malaking tsansa sina Brazil Olympic silver medallist Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Yulo, at boxers Eumir Marcial at Irish Magno na magkaroon ng excellent performance sa Tokyo Olympics sa 2021.
“They have the big potential to get the gold medals. For me, I was trying to be an expert to tell this. Kasi the way we spend money to Olympics, I only tell them to do their best,” ani Ramirez.
Isa pang bagay na nakatutulong for funding sa kanila ay itong ating mga politiko. Huwag sabihin na hindi puwede ang politiko sa sports. Pero sila ang may malaking naitutulong sa ating mga atleta para mai-push through ang funding. Tulad ng Senate at Congress, kaya nga todo-suporta sila sa mga international athlete natin dahil may representation ang Filipinas.
“Itong mga atleta natin ang vital component of our society. Look at the other countries, pinalalakas nila ang sports, kaya naman pati militar nila malalakas din dahil may mga background sa sports.”
Inihulog na rin ng PSC ang full allowance ng mga atleta sa kani-kanilang bank account.
“Idinidiretso na namin sa kanilang mga bulsa ang pera at baka sabihin na naman doon ng alalay nila na sila ang gumastos sa atleta at hindi ang gobyerno,” pagtatapos niya.
Comments are closed.