SINAMAHAN ni AFP Special Services Chief Col. Taharudin Ampatuan, nakipagpulong si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez kahapon kung saan tinalakay nila ang mga isyu na maaaring nag-udyok sa kanya para i-post sa social media ang kanyang apela para sa financial support.
“The government will continue to support her,” wika ni Ramirez, at idinagdag na sa kanilang board meeting ay inaprubahan ang dalawa pang kahilingan para sa tulong sa pagpondo sa trainings ni Diaz sa China.
“We have pledged our support before, and we will continue to do so because we are focused on that Olympic gold as much as Hidilyn is,” anang sports chief.
Sa kanyang panig ay nangako naman si Diaz na hindi aatras sa kanyang Olympic quest.
“Let’s journey together towards that gold,” sabi ni Ramirez kay Diaz.
Kasama ni Ramirez si PSC Commissioner Charles Maxey nang tanggapin nila si Diaz sa Philsports Complex offices sa PSC.
Comments are closed.