PSG HINDI NA IPATATAWAG SA COVID VACCINE HEARING

Franklin Drilon

WALANG plano ang   Senado na ipatawag  ang Presidential Security Group (PSG) para sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa Lunes  kaugnay pa rin sa COVID-19 vaccines.

Ayon kay Senate Minority leader Franklin Drilon. na maaari naman silang makakuha ng mga impormasyon tungkol sa pagbabakuna   mula sa ibang source.

Iginiit pa ni Drilon na mayroong karapatan si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-invoke ng executive privilege, subalit hindi naman nangangahulugan na hindi na nila itutuloy ang kanilang trabaho na mag-imbestiga.

Sinabi pa ng minority leader na mayroon na siyang impormasyon kung paaano nakapasok sa bansa ang  hindi rehistradong bakuna kontra COVID-19 ,subalit hindi na siya nagbigay pa ng ibang detalye rito.

Nilinaw naman ni Senate President Vicente Sotto III na hindi niya ipatatawag ang PSG sa pagdinig tungkol sa mga ginagawa ng gobyerno kaugnay ng COVID-19 vaccine.

Iginiit ni Sotto  na  wala siyang sinasabi na iimbitahan  ang PSG dahil ang pagdinig umano ay tungkol sa roadmap o  mga plano ng gobyerno tungkol sa pagbili, storage at distribusyon ng  bakuna laban sa virus.

Nagtataka umano ang Senate president kung bakit binabago ng iba ang sentro ng pagdinig kung saan wala naman sa agenda ang tungkol sa pagpapabakuna ng PSG. LIZA SORIANO

Comments are closed.