PSPG MEMBER NAGHAPUNAN NG BALA

binaril

QUEZON CITY – TUMIMBUWANG ang isang pulis matapos barilin sa Project 4, Barangay Marilag.

Kinilala ito na si SPO2 Venancio Hidalgo, nakadestino sa Police Security and Protection Group.

Kumakain sa isang karinderya sa JP Street sa nasabing barangay si Hidalgo alas-9:25 ng gabi noong Miyerkoles nang bigla na lamang dumating ang isang lalaki na nagmamaneho ng motorsiklo at binaril ang biktima.

Mabilis na tumakas sa lugar ang suspek na minamaneho ang motorsiklo.

Hindi na ito nakilala dahil sa suot nitong helmet.

Nagtamo ng apat na tama ng baril sa kaniyang batok at likuran ang biktima na sanhi ng kaniyang agarang kamatayan. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.