HINDI maghihigpit ang Department of Transportation (DOTr) sa restrictions sa public transport ngayong holiday season.
Ayon kay DOTR consultant Alberto Suansing, sa ngayon ay walang plano ang ahensiya na limitahan ang operasyon ng public transportation.
“Kung ano iyong mayroon tayo ngayon, iyan ang mag-e-exist, unless mayroong panibagong panuntunan ang IATF [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases],” wika ni Suansing sa Laging Handa briefing.
Kasabay nito ay hinikayat niya ang mga commuter na patuloy na sundin ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields at ‘no talking’ at ‘no eating’ habang nasa biyahe.
Nauna na ring nanawagan ang pamahalaan sa publiko na limitahan ang holiday celebrations sa immediate family members para maiwasan ang hawaan sa COVID-19.
Samantala, ibinasura ni Health Secretary Francisco Duque III ang panukalang payagan ang mga bata na makapag-mall basta kasama nila ang kanilang mga magulang o guardians.
Ayon kay Duque, ang mga batang may edad 14 at pababa ay hindi dapat payagang lumabas ng bahay upang maiwasan ang COVID-19 infection.
Comments are closed.