PUBLIC TRANSPORT LUMPO NA HAHAMBALUSIN PA

bus

Umalma si Lawyers for Commuters Safety and Protection President Ariel Inton sa Senate Bill 2094, kung saa hindi isinama ang public transport bilang public utility.

Ani Inton, matagal nang public utility ang public transport kaya naman sa Saligang Batas ay protektado ito bilang isa sa mga industriya na dapat at least 60 percent Filipino-owned.

Aniya, dati ay hindi bini­bigyan ng prangkisa ang public transport kung pag-aari ito ng banyaga.

Ngunit dahil sa bagong

Senate bill na hindi kasama ang public utility, possible umanong pasukin ng dayuhan ang public transportbusiness.

jeepDepensa naman ng mga may-akda, maari pang maisama ang public utility dahil inilagay nila na “no other person shall be deemed a public utility unless otherwise subsequently provided by law” kaya pwede pa pag may batas.

Gayunman, mahihirapan umano ang sinumang gustong pumasok sa transport business dahil sa katakut-takot na red tape ang isinama sa batas.

Ayon sa panukala “the National Economic and Development Authority (NEDA), through its Board, in consultation with the Philippine Competition Commission(PCC) and the Concerned Administrative Agencies, may recommend to Congress the classification of a public utility on the basis of the following criteria”.

Ibig sabihin, bago mapasama ang public transport bilang public utility ay may certain criteria na dapat daanan, bukod pa sa pagkuha ng prangkisa.

Sa Senate Bill, hindi lang ‘sino’ ang bibigyan na public utility kundi ‘ano’ ang public utility na inilagay.

Gayunman, maari pang maisalba ang industriya ng public transport kung isasama sa panukala na ang public transport ay public utility. NV

5 thoughts on “PUBLIC TRANSPORT LUMPO NA HAHAMBALUSIN PA”

  1. 111847 853077Its perfect time to make some plans for the future and its time to be happy. Ive read this post and if I could I wish to suggest you some fascinating issues or suggestions. Perhaps you can write next articles referring to this post. I want to read even much more issues about it! 475436

Comments are closed.