(Publiko binalaan ng BFAR) 11 LUGAR SA VISMIN POSITIBO SA RED TIDE

red tide

MAY 11 lugar sa Visayas at Mindanao ang nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa pinakabagong shellfish bulletin, sinabi ng BFAR na ang lahat ng uri ng shellfish at acetes, na tinatawag ding alamang, na magmumula sa naturang mga lugar ay hindi ligtas kainin.

Ang mga apektadong lugar ay ang Irong-Irong Bay sa Western Samar; Cambatutay Bay sa Western Samar; Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur; Bislig Bay sa Surigao del Sur; Balite Bay, Mati City ss Davao Oriental; Murcielgaos Bay ss Zamboanga del Norte; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; coastal waters ng Calubian sa Leyte; at coastal waters ng Daram Island sa Western Samar

Ayon sa BFAR, ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimasag mula sa nasabing mga lugar.

“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” anang ahensiya.

Nakasaad din sa bulletin ang listahan ng mga lugar na ligtas sa toxic red tide, kabilang ang coastal waters ng Zumarraga, San Pedro, Maqueda, at Villareal Bays sa Western Samar; at Carigara at Ormoc Bay sa Leyte.

5 thoughts on “(Publiko binalaan ng BFAR) 11 LUGAR SA VISMIN POSITIBO SA RED TIDE”

  1. 952344 624191 I discovered your weblog internet site on google and check several of your early posts. Continue to maintain up the really great operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading more from you later on! 744769

  2. 963182 256184Someone essentially assist to make severely posts I may possibly state. That is the really 1st time I frequented your website page and so far? I surprised with the analysis you made to create this specific submit incredible. Magnificent task! 773986

  3. 71199 138119Hello, Neat post. There is an problem along together with your site in web explorer, could test thisK IE nonetheless will be the marketplace leader and a huge portion of other folks will miss your magnificent writing because of this issue. 548093

Comments are closed.