(Publiko binalaan ng BFAR) 16 LUGAR POSITIBO SA RED TIDE

Red tide

INIULAT kahapon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na 16 na lugar ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit.

Sa kanilang pinakabagong shellfish bulletin, sinabi ng BFAR na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang mula sa Irong-Irong Bay sa Western Samar; Maqueda at Villareal Bays sa Western Samar; Cambatutay Bay sa Western Samar;  Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte;  San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur; Bislig Bay sa Surigao del Sur.

Balite Bay sa Davao Oriental; Murcielgaos Bay sa Zamboanga del Norte; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Ormoc Bay sa Leyte; Carigara Bay sa Leyte; coastal waters ng Calubian sa Leyte; at coastal waters ng Zumarraga sa Western Samar.

Ayon sa BFAR, ligtas namang kainin ang isda, pusit, hippn at alimasag basta hugasan lamang mabuti at alisin ang internal organs at intestines bago lutuin.

Nakasaad din sa bulletin ang listahan ng mga lugar na ligtas sa toxic red tide, kabilang ang Puerto Princesa Bay, coastal waters ng Leyte at Biliran Islands, at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur.

5 thoughts on “(Publiko binalaan ng BFAR) 16 LUGAR POSITIBO SA RED TIDE”

Comments are closed.