(Publiko binalaan ng DA) SMUGGLED VEGETABLES MAPANGANIB

BINALAAN ng Department of Agriculture (DA) ang publiko sa pagbili ng smuggled vegetables dahil sa posibleng pesticide residue na mapanganib sa kalusugan.

Ayon kay Dar, sinusuri na ngayon ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang mga gulay na sinasabing ipinuslit sa bansa mula China.

“The best thing we can do meanwhile is not to buy kasi hindi natin alam ‘yung laman ng vegetables in terms of pesticide residue,” sabi pa ng kalihim.

Aniya, ang BPI ay hindi pa nag-iisyu ng anumang permit para mag-import ng carrots, repolyo, at luya para sa merkado. Ang ahensiya ay nag-isyu lamang ng permits sa frozen at processed vegetables para sa mga embahada at  hotels.

Nauna nang inireklamo ng mga magsasaka sa Benguet ang mga puslit na carrots na bumabaha umano sa mga palengke at mabibili sa mas murang halaga.

Hindi binanggit ni Dar kung gaano karami ang nakapasok na puslit na gulay sa bansa  dahil hindi, aniya, ito dumaan sa tamang channels kaya mahirap tantiyahin.

Inatasan na ni Dar ang BPI na suriin ang shipments para sa pesticide residue, at binalaan ang publiko na ang imported na gulay ay maaaring nagtataglay ng residue na mapanganib sa kalusugan.

“We will advise the public na ‘wag tangkilikin ito, itong mga smuggled items,” dagdag pa niya.

95 thoughts on “(Publiko binalaan ng DA) SMUGGLED VEGETABLES MAPANGANIB”

  1. 728738 210059I just want to let you know that Im really new to weblog and honestly liked this web site. Far more than likely Im planning to bookmark your blog post . You undoubtedly come with exceptional articles and reviews. Bless you for sharing your web site. 413399

Comments are closed.