(Publiko binalaan ng FDA)MGA PEKENG GAMOT NAGLIPANA

GAMOT

NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili ng gamot online at maging sa mga sari-sari store.

Ayon sa FDA, naglipana sa mga online shopping platform ang mga gamot o vitamins na mabibili sa isang pindot lang.

Mula umano nang pumasok ang COVID-19 pandemic ay dumami ang mga pekeng gamot sa merkado.

“Maraming gamot ang kinailangan natin, ascorbic acid, gamot sa ating lagnat, sipon, ubo, tendency niyan mas maraming gumagawa ng counterfeit,” wika ni FDA Common Services Laboratory director II Jocelyn Balderrama.

Nauna nang ipinahayag ng Department of Health (DOH) na global public threat ang paglipana ng mga pekeng gamot dahil maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan.

“Counterfeiting of medicines is illegal and considered a serious threat to our individual health and welfare and may result in hospitalization, permanent disability, or worse, even death. It may also worsen existing illnesses and even cause adverse reactions if administered in complication with other medications,” sabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Payo ng FDA, para hindi mabiktima ng mga pekeng gamot, maaaring gamitin ang verification portal sa website ng ahensiya upang malaman kung may certificate of product registration ang nabibiling gamot.