MAY nakalatag nang mekanismo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung paano ipatutupad ang Anti-Terrorism Law.
Ito’y sakaling ganap nang malagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at mabalangkas na ang implementing rules and regulations (IRR) para rito.
Sa panayam ng DWIZ kay Southern Luzon command chief Lt./Gen. Antonio Parlade Jr., iginiit nito na wala namang ibang kumokontra sa nasabing panukala kundi ang Communist Party of the Philippines (CPP).
Magugunitang binansagan ng AFP ang CPP bilang communist terrorist group na dahil sa ginagawa nilang serye ng mga pag-atake laban sa mga law enforcement group.
Kinakailangan lang ayon kay Parlade na maunawaang maigi ng publiko ang nilalaman ng nasabing panukala at huwag magpapagamit sa propaganda ng mga grupong konektado sa mga komunista. DWIZ882
Comments are closed.