NANANATILING positibo sa red tide o paralytic shellfish poison ang tatlong coastal areas sa Visayas at Mindanao.
Batay ito sa isinagawang test ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Magugunitang noong Agosto 18 ay nagbabala ang BFAR sa publiko na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang mula sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur; at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Sinabi naman ng BFAR na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta huhugasan at lulutuing mabuti ang mga ito
DWIZ 882