PUBLIKO PINAIIWAS MUNA SA OPD NG OSMAK

Osmak

INABISUHAN  ng pamahalaang lungsod ng Makati ang publiko na iwasan munang pumunta sa Out Patient Department ng Ospital ng Makati habang may mga kaso pa ng COVID-19.

Pinayuhan anh sinumang pasyente na tumawag muna sa contact numbers ng OSMAK mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Para sa  OPD patients na may contact number, maghintay na lamang ng tawag ng kanilang doktor para sa kanilang appointment.

Ang mga OPD patient na may appointment at wala namang contact number ay maaaring tumawag sa OPD hotline ng ospital.

Ang mga pasyenteng walang appointment ay maaari ring tumawag sa OPD registration hotline.

Sa pinakahuling datos, nakapagtala pa ang Makati Health Department ng 1,118 active COVID-19 cases sa lungsod.

Nasa 5,375 ang COVID-19 cases sa lungsod, 4,064 na ang gumaling habang 193 ang nasawi.

Comments are closed.