PUBLIKO PINAYAPA SA COVAX

Health undersecretary Maria Rosario Vergeire

PINAYAPA ng Department of Health (DOH) ang publiko na walang dapat ikabahala sa  pagpapabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19), partikular na sa mga bakuna ng Sinovac mula China.

Ito ay sa gitna ng mga ulat na may mga nagkakaroon pa rin ng COVID-19 kahit nabakunahan na ganoon din ang  pagkasawi ng isang miyembro ng Manila Police District ilang araw matapos umanong maturukan.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng na-expose ang mga pasyente bago magpabakuna at lumabas ang sintomas pagkatapos mabakunahan.

Giit ng kalihim na walang direktang kaugnayan ang pagkakaroon ng COVID-19 sa pagbabakuna nang tanungin sa mga umano’y lumalabas na adverse effects.

“Hindi po dapat mabahala ang public regarding this matter. Kailangang maintindihan natin ang sitwasyon. Sa paga-analyze namin ng datos ng mga nagkakaroon ng COVID-19 ay nakikita po natin na the persons were already incubating during the time they were vaccinating,” ani Vergeire.

“Sila ay nag-expose at nag-manifest ang kanilang symptoms pagkatapos na mabakunahan. Pero ayon sa pag-aaral ng ating mga eksperto, walang direct link ng pagkakaroon ng COVID-19 with the vaccines that is Sinovac.”

Nabanggit sa briefing na may namatay na miyembro ng Manila Police District dahil sa COVID-19, ilang araw matapos mabakunahan ng Sinovac.

Nakatakda namang imbestigahan ng DOH ang nasabing mga  insidente.

4 thoughts on “PUBLIKO PINAYAPA SA COVAX”

  1. 559977 708650It is truly a great and helpful piece of information. Im happy which you just shared this valuable info with us. Please stay us informed like this. Thank you for sharing. 461614

  2. 79684 947444I will appropriate away grasp your rss as I can not in discovering your e-mail subscription hyperlink or e-newsletter service. Do youve any? Kindly permit me realize so that I could subscribe. Thanks. 793893

Comments are closed.