PUGANTENG CHINESE TIMBOG SA MAKATI

arestado

BUMAGSAK sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ope­ratives ang isang Chinese  na wanted sa kanilang lugar bunsod ng  pagkakadawit nito sa kasong economic crimes.

Batay sa report na nakarating kay BI Commissioner Jaime Morente, nahuli si Chen Long, alyas Chen Chenglong, 32-anyos, sa ikinasang operasyon nitong nakalipas na Biyernes ng mga tauhan ng BI fugitive saerch unit (FSU) sa isang building sa Makati City.

Ayon kay Bobby Raquepo, hepe ng FSU, naaresto si Chen sa tulong ng Chinese authority.

Dagdag pa ni Raquepo, na nakarating din sa kanilang opisina na itong si Chen, at ang kasabwat nito ay nagtayo ng  unregistered investment company sa Shandong province.

Sa pamamagitan ng kanilang hindi rehistradong kompanya nakakulimbat ito ng mahigit sa 60 million RMB, katumbas ng P400 milyon sa kanilang mga naging biktima.

Nadiskubre ng mga taga-FSU na kinokonsidera si Chen na isang undocumented alien bunsod sa pagkakansela ng kanyang passport ng chinese government.

Agad na dinala si Chen sa BI detention center facilities sa Taguig City at pansamantalang namamalagi sa kulungan ng BI , habang naka-pending ang kanyang deportation order sa opisina ng BI Board of commissioner. FROI MORALLOS

Comments are closed.