PULIS AKSIYON AGAD SA P6.9-M FUNDS

pulis

PASAY CITY – Inaprubahan kamakailan ng Pasay City Peace and Order Council ang resolusyon na magbibigay ng pondo na nagkakahalaga ng P6.9-milyong piso para sa proyektong SMART policing project na tutugon sa mabilis at epektibong pagresponde sa mga pangangaila­ngan ng komunidad sa ayuda ng lokal na kapulisan.

Ayon kay Pasay City police chief Colonel Bernard Yang, kanyang iminungkahi sa pamamagitan ng isang presentasyon sa peace and order council ang kahalagahan ng pagkakaroon ng digital at internet connectivity sa pagsugpo ng krimen gayundin ang pagkakaroon ng modernong sistema sa organisasyon ng lokal na kapulisan.

Pahayag ni Yang na nag-ugat ang kanyang pagmumungkahi ng kanyang SMART policing project sa Peace and Order Council makaraan ang kanyang pagkakadiskubre sa kasalukuyang set-up ng command at control ay napakatradis­yonal at kumakain ng oras na nagiging dahilan upang maging mabagal na dapat ay mabilis at epektibong pagresponde sa tawag ng kanilang ayuda ng komunidad.

Iginiit ni Yang na ang pangangailangan ng Close Circuit Te­levisions (CCTVs) sa mga SMART Center dahil napakahalaga nito sa organisasyon ng pulisya upang mapadali ang pag­responde ng mga pulis sa mga pangyayarihan ng krimen.

Ang SMART Center, sa tulong ng planong pagkakabit ng mga CCTV, ang makakapagdetermina kung anong PCP ang nakasasakop sa isang nagaganap na krimen sa isang lugar na agad nilang maiimpormahan ang mga tauhan ng naturang PCP para sa mabilis na pagresponde ng mga pulis sa lugar.

Sa pagkokonsidera na ang Lungsod ng Pasay ay ang pinakasentro sa Metro Manila kung saan halos sunod-sunod ang mga nasyonal at international na kaganapan, sinabi ni Yang na kinakailangan na ang pag-iinstola ng e-Situation Mapping System bukod pa sa pagde-deploy ng mga pulis na normal nang ginagawa ng mga namumuno sa kapulisan.

Ipinaliwanag ni Yang na ang e-Situation Mapping System ay magbibigay ng epektibong serbisyo at siya ring nagmo-monitor sa mga pangyayari sa lugar ng 12 PCPs kung saan ito rin ang may control dito.

Dagdag pa ni Yang, magiging makabuluhan kung ang siyudad ay may e-Situation Mapping System na maka-pagdudulot ng mabilis na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng headquarters ng pulisya at ng PCPs upang makabuo ng agarang plano at desisyon sa mga darating na hindi inaasahang sitwasyon.

Sa unang quarter ng susunod na taon ay inaasahan ang pagsasa­bit ng apat na CCTV sa mga sinasabing strategic na lugar kung saan dalawang CCTV muna ang maikakabit sa EDSA-Rotonda samantalang dalawa naman ang ilalagay sa Buendia-Taft Avenue. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.