(Pulis at deboto Nagkagirian) TRASLACION 2020 GENERALLY PEACEFUL – PNP

TRASLACION 2020

MAYNILA – NAPANATILI ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines –Joint Task Force NCR ang kaligtasan at kapayapaan sa Pahalik at Traslacion na highlight ng Pista ng Itim na Nazareno.

As of 3:00 PM kahapon, umabot na sa 2.3 milyon ang debotong dumagsa sa tradisyonal na religious event.

Ayon kay PNP spokesman P/Brig. Gen. Bernard Banac, naging maayos ang prusisyon sa pagpayag ng simbahan na hayaan ang mga pulis na paikutan at i-secure ang andas ng Black Nazarene.

Habang nagsilbi namang perimeter o outside defense ang mga sundalo na may hawak ng kulay asul na lubid sa gilid na siyang kumokontrol sa daloy ng mga deboto.

Sa kauna-unahang pagkakataon, mga pulis imbes na deboto ang nanguna sa paghila ng karosa ng 400-taong-gulang na imahen.

Hindi naman naiwan ang pagkasugat ng ilang kung saan batay sa Manila Public Information Office ay mahigit 200 ang nasugatan habang naitala ng Philippine Red Cross na nasa 1,000 ang nagpasaklolo sa kanila dahil sa pagkahilo, pagod, pagkapilay at galos.

May ilan ang napikon, nagalit at pinaratangan ang mga pulis na ipinagkakait sa kanila ang Mahal na Poong Nasareno.