MAGUNDANAO -NASAKOTE ang dalawa katao kabilang na ang isang pulis dahil sa iligal na pagbebenta ng mga baril sa lalawigang ito.
Ang mga suspek na nasakote ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ay sina alyas Utto na may ranggong master sergeant at sibilyan na si “Kagui,” miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang naturang operasyon ay inilunsad matapos na makatanggap ng impormasyong ang CIDG hinggil sa pagbebenta ng mga iligal na baril sa sinasabing large-scale o malakihang bentahan.
Nasamsam mula sa mga suspek ang matataas na kalibre ng baril at libo-libong buhay na bala.
Patuloy na iniimbestigahan ng CIDG ang insidente partikular na kung paano napunta sa mga kamay ng mga suspek ang mga baril at mga bala ng gobyerno.
EVELYN GARCIA