CAMP CRAME – BILANG pagtugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior Secretary Eduardo Año, binawalan na rin PNP Chief, DG Oscar Albayalde ang kaniyang mahigit 100,000 na tauhan sa pagpasok sa mga bahay-inuman gaya ng bars, night-clubs at iba pang public drinking places at establisimiyento.
Maging sa mga pasugaIan ay dineklarang ban na sa mga pulis.
“This is a specific directive of the Chief Executive, violation of which is tantamount to Grave Misconduct that is punishable by dismissal from the service,” ayon kay Albayalde.
Ayon kay CS Benigno Durana Jr., pinaalala rin ni Albayalde ang rules and regulations ng PNP alinsunod sa PNP Ethical Doctrine at Code of Professional Conduct and Ethical Standards.
“For acts or omissions which merely require administrative sanctions, the applicable punishments as provided for the rules and regulations promul-gated by the PNP, NAPOLCOM. Civil Service Commission and DILG shall be applied,” pagdiriin pa ni Durana. EUNICE C.