PAMPANGA-ISANG aktibong kasapi ng Philippine National Police at kasama nitong babae ang inaresto sa isinagawang joint buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Region 1, 3, CALABARZON at Angeles City Police Office sa kahabaan ng Don Jueco Avenue, Brgy. Malabañas Clark view, Angeles City nitong nakalipas na Linggo.
Kinilala ni Police Regional Office 3 spokesperson Lt. Col. Soledad Elefanio ang nadakip na si Patrolman Jerick Francisco, nakatalaga Bataan PPO 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), at kasama nitong si Eileen Perez, ng San Antonio, Mexico, Pampanga.
Kasalukuyang nagsasagawa ng follow up investigation ang mga awtoridad hinggil sa illegal drug activities ng pulis at posibleng anti narcotic operation na ilulunsad kaugnay nito.
Nabatid na ang suspek ang siyang nagbabagsak ng droga sa bayan ng Mexico sa San Fernando City at Angeles City.
Nakumpiskahan ang suspek ng 2 sachet ng shabu na humigit kumulang sa 10 gramo ang bigat at hindi bababa sa P68,000 ang street value bukod pa sa Glock service firearms, magazine, mga bala, at PNP ID at cellphone nito.
Kinasuhan ng Violation of Section 5 (sale of dangerous drugs) in relation to section 26, paragraph B (conspiracy to sell) ng Art II ng RA 9165 ang pulis at kasama nito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.