CAMP CRAME – MAHIGPIT na bilin ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa sa mahigit 200,000 policemen na bawal umibig o magkagusto sa mga preso o person deprived of liberty.
Ginawa ang bilin ni Gamboa makaraang maaresto noong nakaraang linggo ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group ang hepe ng Argao Municipal Police Station sa Cebu na nakikipagsiping sa isang preso.
Sinasabing nakarelasyon umano ng pulis ang babaeng preso habang ang isa pang inmate ay ginawang helper.
Ayon kay Gamboa, mahigpit ang bilin sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagiging malinis ng mga pulis sa lahat ng pamamaraan at kabilang na rito ang hindi pagkakaroon ng relasyon sa mga babaeng detainee lalo na sa drug offender.
“Policemen are not supposed to be in love with PDLs (person deprived of liberty),” ayon kay Gamboa.
Matatandang base sa ulat ng IMEG, si Police Major Ildefonso Miranda ay mayroong dalawang preso na pinapalabas sa selda.
Isa rito ay kanyang karelasyon habang ang isang preso naman ay ginagawang helper ng pulis.
Iginiit ni Gamboa na seryoso ang PNP sa kanilang internal cleansing campaign. REA SARMIENTO
Comments are closed.