PULIS-CRAME ‘DI PA IPU-PULL OUT SA BATANGAS

Banac

CAMP CRAME –- BAGAMAN humupa na ang pag-aalboroto ng Taal Volcano,  mananatili pa rin sa  Batangas at Cavite ang nasa Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng Philippine National Police (PNP) na orihinal na naka-detine sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Spokesman Gen.  Bernard Banac, magpapatuloy pa rin ang rotational deployment ng RSSF sa nasabing lugar kahit pa ibinaba sa level 3 ang alerto ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) para sa status ngTaal Volcano.

Paliwanag ni Banac,  may nakikita pa silang pangangailangan sa RSSF members sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga problemadong bayan.

Sa ngayon aniya, tatlo hanggang apat na araw ang palitan ng RSSF para makapagpahinga ang mga ito at makabawi ng lakas.

Nabatid na mahigit 2,000 mga pulis na mula sa RSSF ang nakatalaga para sa disaster response at humanitarian assistance sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal habang 13,000 ang mula sa local police.

Samantala, sinabi ni Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Administra-tion, na babawasan lamang ang idineploy na RSSF personnel kapag patuloy ang pagbaba ng alerto sa status ng bulkadn. EUNICE C.

Comments are closed.