PULIS ITINUMBA NG RIDING IN TANDEM

tambangan

DEAD on the spot ang isang pulis matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi na­kilalang riding in tandem  habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Malabon City, ka­makalawa ng gabi.

Sa report ng pulisya namatay din ang biktima  na nakilalang si P/Cpl. Alex Sta Ana Vitug Jr., 33, kasalukuyang nakatalaga sa Mobile Patrol Unit ng Navotas Police station at residente ng Blk. 10 Lot 15, Del Mar Subdivision, Llano, Caloocan City, sanhi ng malulubhang tama ng bala na bumaon sa katawan ng biktima.

Sa imbestigasyon ni Malabon police homicide investigator P/Cpl. Michael Oben, alas-7:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa corner ng Araneta Avenue at Tuazon St. Brgy. Potrero.

Batay sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungo sa kanyang duty sa Navotas police station nang tambangan at pagbabarilin sa katawan ng riding in tandem na mga suspek sa naturang lugar.

Matapos ang pamamaril, kinuha ng gunman ang service firearm at motorsiklo ng biktima bago mabilis na tumakas, kasama ang kanyang kasabwat sa hindi matukoy na direksiyon.

Narekober ng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala, walong deformed cartridge, deformed fired bullet at isang fragment mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Ipinag-utos na ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao ang follow-up operation para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang kabilang naman sa mga anggulong sinisilip ng pulisya na maaring motibo sa insidente ay personal na alitan at may ki-nalaman sa trabaho ng biktima. EVELYN GARCIA

Comments are closed.