TAGUIG CITY – IBINUNYAG ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Brig. General Debold Sinas na isa na namang pulis ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa kanilang isinagawang random drug test noong Enero 14.
Ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga ay kinilala ni Sinas na si Cpl. Anthony Romano at nakatalaga sa NCRPO Intelligence Division.
“Noong January 14, nag-random drug test po kami roon naman sa regional headquarters. Isa sa mga tao roon ay nag-positive sa use of shabu… confirmed na po ‘yung test,” ani Sinas.
Sinabi ni Sinas na inamin naman ni Romano ang paggamit ng ilegal na droga at sinabi nito na kasama niya ang isa pa ring pulis nang sila ay magsagawa ng drug session.
Hindi naman pinangalanan pa ni Sinas ang pulis na kasama ni Romano sa drug session.
Inamin din umano ni Romano ang drug session ay kanilang isinagawa sa loob ng kampo. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.