QUEZON CITY – SUGATAN ang isang pulis na nakatalaga sa COMELEC checkpoint nang sagasaan ito ng kanyang pinarang lalaki noong Biyernes ng gabi.
Dinala sa pagamutan si PO1 John Edison Arlan-Tan, nakatalaga sa Batasan Police Station 6 na pinamumunuan ni Supt Joel Villanueva makaraang sagasaan ni alyas Peter, 19-anyos, sa area ng Brgy. Payatas, Quezon City.
Sinabi ni QCPD Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. alas-11:20 ng gabi habang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga pulis sa checkpoint nang dumating si Halog kaya pinara ito na hindi suot ang protective helmet.
Sa halip huminto ang suspek, lalo nitong binilisan ang takbo ng minamanehong motorsiklo dahilan upang masagasaan si Arlan-Tan na siyang humaharang sa suspek.
Agad namang inaresto si Halog habang inamin nitong walang lisensya na maipakita kaya naisipang takbuhan ang checkpoint.
Bukod sa traffic violations, kasong frustrated murder ang haharapin ni Halog na dinala na sa office of the City Prosecu-tor para sa inquest proceedings. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.