TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesman Usec. Jonathan Malaya na tatapusin ng National Police Commission (Napolcom) sa loob ng isang buwan ang pagdinig sa kasong ‘double murder’ ni Police Senior Master Sargeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia Gregorio, 52. at anak na si Mark Anthony.
Ayon kay Malaya, nasa ‘consolidation’ na ng mga ebidensya ang Komisyon at makakapaglabas ito ng kanilang desisyon ngayong Enero, 2021.
Sabi pa ni Malaya, mabibigyan ng hustisya ang pagpatay sa mag-inang Gregorio, dahil bukod sa kasong double murder, may mga nauna na ring kaso si Nuezca na kinasangkutan.
Batay sa rekord na nakuha ng DILG, taong 2014 nang harangin ng grupo ni Nuezca ang isang tricycle driver sa C-5 Taguig na isinakay sa police vehicle at hinihingan ang pamilya nito ng P40, 000 kapalit ng pansamantalang kalayaan.
Inakusan umano ng nasabing pulis ang kawawang driver na may dalang patalim at isang sachet ng shabu.
Sinabi pa ni Malaya, nito lamang Oktubre 21, naisilbi ang desisyon laban kay Nuezca na ‘demotion’ dahilan kung bakit mula sa pagiging Master Sargeant ay naging Staff Sargeant na lamang ang nasabing pulis. EVELYN GARCIA
Comments are closed.