PULIS ‘NAG-SOLICIT’ PARA SA FISHERMEN ASSOCIATION KALABOSO

solicit

CAVITE – ISANG police officer ang inaresto ng pinagsanib na pu­wersa ng PNP Counter Intelligence Task Force at Intelligence Group  dahil sa reklamong extortion sa bayan ng Tanza.

Kinilala ito na si Supt. Armandy Dimabuyo, hepe ng 402 Cavite Maritime Group.

Sa pamamagitan ng entrapment operation at sa P18,000 marked money ay naaresto si Dimabuyo.

Inireklamo ang pulis ng mga banca owner na nanghihingi umano ng mahigit P20 para  aniya sa fishermen association.

Hawak na ng CITF ang police officer at sakaling magpositibo sa sumbong ng mga banca owner ay kakasuhan ito. EUNICE C.

Comments are closed.