MAYNILA – NABALOT ng takot ang isang barangay sa lungsod na ito nang umalingawngaw ang putok ng baril sa loob ng isang apartment sa Sampaloc noong Sabado ng gabi.
Dahil naalarma ang mga residente roon gayundin ang barangay hall ay agad ipinagbigay-alam sa pulisya na nakarinig din ng putok.
Kaagad na sinugod ng mga pulis ang tinitirhang apartment ng pulis sa Josefina Street, kung saan nadatnan na nakahiga sa sahig ang walang malay na si Master Sgt. Winefer Molina ng Quezon City Police District station 2.
Nakita rin ang kaniyang baril at isang basyo ng bala sa sahig.
Iniimbestigahan na ngayon kung bakit nagpaputok ang suspek na pulis.
Kakasuhan siya ng alarm and scandal dahil sa illegal discharge of firearm. AIMEE ANOC
Comments are closed.