LAS PIÑAS CITY – ARESTADO sa isang checkpoint ang aktibong pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at ang kasama nitong nakaangkas sa kanyang motorsiklo makaraang makitaan ang mga ito ng tatlong plastic sachets ng shabu kahapon ng umaga.
Iniharap ni Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Eliseo Cruz kay NCRPO P/Director Guillermo Eleazar ang inarestong suspek na si PO2 Alijandro Hernandez, nakatalaga sa Regional Personnel Holding Accounting Unit (RPHAU-NCRPO) pati ang kasama nitong backrider na hindi napangalan sa report.
Base sa report na isinumite ni Las Piñas police chief Sr. Supt. Simnard Gran sa Southern Police District (SPD), nangyari ang pag-aresto kay Hernandez at sa kasama nito dakong alas-5:30 kahapon ng umaga sa Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City.
Nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Las Piñas City police sa Brgy. Alamanza Uno nang dumating si Hernandez lu-lan ng kanyang minamanehong motorsiklo na may kasamang lalaking nakaangkas sa likod at parehong walang suot na helmet.
Pinahinto ng mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint si Hernandez ngunit sa kanilang pakikipag-usap dito ay may nakita si-lang tatlong plastic sachets na may hinihinalang shabu at tactical knife samantalang ang backrider nito ay nakuhanan din ng isang sachet ng shabu. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.