QUEZON CITY – PATAY ang isang pulis matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na lulan ng motorsiklo sa lungsod na ito.
Naganap ang pagpaslang sa Brgy. Alicia, Bago Bantay ala-1:28 ng hapon.
Nakilala ang biktimang si Patrolman Michael Delos Reyes, ng Sitio Pajo, Brgy. Baesa Quezon City.
Si Delos Reyes ay dating naka-assign sa Police Station 7 ng Quezon City Police District at na-reassign sa Mindanao noong Pebrero 17 dahil sa kasong pagkakasangkot sa droga.
Base sa ulat habang patungo ang biktima sa eskuwelahan ng kanyang mga anak upang sunduin ang mga ito ay bigla na lamang nilapitan ito ng isa sa mga salarin na nakasakay ng itim na motorsiklo.
Matapos ang pamamaril ay umalis na parang walang nangyari ang mga suspek. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.