NAKALIGTAS ang isa sa mga tauhan ng Quezon City Police sa ilalim ng pamunuan ni District (QCPD) Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang dalawa sa mga suspek na sinubukang manlaban laban sa mga pulis Novaliches Police Station (PS 4) kahapon lamang ng hapon.
Kinilala naman ni Supt. Rossel Cejas hepe ng Novaliches Station ang rookie cop na nasugatan na si PO1 Soriel Barangan.
Ayon pa sa ulat bandang alas-5:00 ng hapon nito lamang Enero 16, 2019, nang makatanggap ang mga tauhan ng PS 4 opera-tives at agad respondehan ang isang tawag mula sa isang concerned citizen na may dalawang kalalakihan ang nasa isang aban-donadong bahay sa Blk. 2 Lot 19, California Dream Homes, Brgy. San Bartolome.
Nang mapansin ng mga suspek ang mga pulis sa lugar na dapat ay sisita sa kanila bigla na lamang nagpaputok ang mga ito dahi-lan upang tamaan si PO1 Soriel Barangan ng PS 4 na tinamaan sa kanyang dibdib habang nakikipag palitan ng putok laban sa mga suspek, subalit masuwerte namang nakaligtas ang parak dahil na rin sa suot nitong bullet proof vest.
Ayon pa sa imbestigasyon , ang mga suspek ay nangholdap sa isang money remittance collector na si Percival Lawrence Da-limag, bago pa man kunin ang motorsiklo ng mga ito noong Enero 15, sa harapan ng No. 10 De Jesus Compound, Brgy. San Agustin. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.