PULIS SUGATAN SA SAGUPAAN

Sugatang pulis

CAGAYAN – SUGATAN ang isang pulis matapos ang mahigit 30 minutong sagupan sa pagitan ng militar at pulis, at hindi pa mabatid na bilang ng mga armadong grupo sa bayan ng Sta. Terisita.

Nakilala ang nasugatan na pulis na si Patrolman Carlo Angelo  Turo ng 2nd  Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC) na nagsabing kagawad ng PNP ay nasa mabuting kalagayan.

Ayon kay B/Gen Laurence Mina, Commanding Officer ng 502nd Infantry Brigade, Philippine Army, habang nagsagawa ng beripikasyon ang hanay ng gobyerno hinggil sa natanggap na impormasyon mula sa isang concerned citizen na umano’y may mga armadong grupo sa kanilang lugar sa may Barangay Allucao at Dagupan sa nasabing bayan.

Nang marating ng pinasanib na puwersa ng Miitar at PNP sa nasabing lugar, kung saan ay nakita nila ang umano’y kampo ng makakaliwang kilusan at habang nagsasagawa ng beripikasyon ang hanay ng gobyerno ay bigla na lang silang pinaputukan ng mga armadong grupo kung saan ay tinamaan sa kamay at balikat ang isang pulis. IRENE GONZALES

Comments are closed.