ISANG miyembro ng Mutinlupa Police ang namatay matapos na tamaan ng sakit na dengue habang sumasailalim sa isang field training program sa Southern Police District (SPD).
Nikilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Debold Sinas, ang nasabing pulis na si Lt. Alioden Mangonday na namatay nitong Huwebes ng hapon habang ginagamot sa Asian Hospital dahil sa sakit na dengue at nagkaroon ng komplikasyon ng severe pneumonia.
“His effort towards public service is highly recognized. [The] NCRPO mourns with his family in deep sympathy for losing a valued comrade in police service,” ayon kay Sinas.
Pahayag pa ni Sinas na ang pagkakamatay ni Mangonday ay isang patunay na ang mga pulis ay mga tao rin na tinatamaan ng sakit.
“Let us be vigilant of our surroundings and always be mindful of our safety as we perform our mandate at law enforcers,” ayon kay Sinas.
Si Mangonday na isang Muslim ay agad na inilibing sa Blue Mosque sa Taguig City. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.